i didn't know it would be this hard. hindi ko pala kaya. for 1 straight week i was crying before i can go to sleep, and for 1 straight week maga ang mata ko.
eh engot kasi ako eh.aalis alis, tapos mami-miss-miss din pala sya.
ni hindi ako makanood ng commercial (e.g. camay, knorr, and sunsilk) dahil namimiss ko sya. pumupunta naman ako sa bahay nila at nakikipagkwentuhan sa nanay nya, nakoh, mas malala pang lungkot ang nangyari. magkwento ba naman sya ng mga kalokohan at mga sacrifices nya nung bata pa sya. gumala man ako, yung mga kasabay ko naman sa jeep na magsyota ang napagdidiskitahan ko.
gusto ko na bumalik. di bale nang lunukin ko yung pride ko sa trabahong iniisnob ko dati, di bale nang araw araw mabuwisit kay nognog, di bale nang hindi ako makagala sa day off, basta kasama ko sya. sa pagtulog, sa pagkain, paglalakad sa mcdo pag walang makain sa gabi, panonood sa pc dahil sira ang dvd sa living room, paglilinis ng bahay pag walang pasok.
bakit ganon, no? nung andon ako nag uumiyak ako na umuwi ng pilipinas tapos ngayong andito na ko gusto ko naman bumalik sa kanya. bakit kasi hindi na lang sila magkasama?
pero nung pauwi na kami ni carmen galing pedro diaz para habulin ang card ni yves, sa jeep, habang medyo umaambon, mga alas sais, at nasa dulo kaming jeep para makita ko ang streetlights, doon ko naisip, ah, eto pala ang inuwi ko. ang feeling ng maynila. maraming tao. kanya-kanyang intindi sa buhay. kanya-kanyang gimik. kanya-kanyang plano ng araw. maganda sana, kung may trabaho ka lang sana dito.
karamihan samin sa abroad, ang secret wish ay makapagtrabaho na lang sa pilipinas. hindi naman namin kailangan ng sobrang pera, yung tamang-tama lang pang-araw-araw, with matching gala sa linggo (syempre!)...kaso lang ang hirap talaga ng buhay dito e.
kaya kagabi, habang nakikinig ako ng home radio (o mellow touch ba yon?!?) sabi ko sa sarili ko, pakiramdaman mo ng mabuti yan, kasi matatagalan pa uli bago ka magpa-banji-banji na naman.
kaya eto, tawag na lang ako sa kanila para ipabook ako. 2 years na naman to.(syempre depende kung magreresign ako agad hehehe)...
2 years na pakikisama sa mga ayaw mong samahan. 2 years na pagsunod sa mga taong nagdudunong-dunungan.
2 years ng trabahong paulit-ulit. alang-alang sa kanya.